Tulad ng dati, nakatingala ka na naman sa kalangitan na wari’y pinagmamasdan ang mga karayom na dumadaiti sa iyong balat ngunit, hindi ka nakakaramdam ng sakit. Maraming mga aninong dumadaan sa iyong tabi ngunit hindi ka pinapansin dahil pilit silang naghahanap ng masisilungan. Tulad ng dati, nung ikaw ay nasa high school pa lamang, patuloy ka sa paglakad sa daan habang umuulan. Pakiramdam mo, ikaw ‘yung pagong sa patalastas ng Boysen na kumakanta ng “Who’s afraid of La Niña? Who’s afraid of signal 1, 2, 3?” Naasar ka sa instructor mong hindi naman nagtuturo at naka-inom yata dahil ikinumpara ka na naman sa ate o kuya mo pagdating sa ugali at academics. Basa na ang damit mo at nakalimutan mo pang itago ang sariling ID. May narinig kang malakas na busina ng jeep. Naramdaman mong pumasok na ang tubig-ulan at “tubig-sidewalk-na-gawa-ng-driver-ng-jee
Napansin mo na buhul-buhol ang mga sasakyan malapit sa may Bonifacio dahil may nagsalpukang FX at Civic. Malakas ang buhos ng ulan ngunit nagbabangayan ang mga driver na parang mga kumakanta sa Muziklaban. Dumating na ang traffic enforcer ngunit ‘di pa rin humuhupa ag init ng ulo ng dalawang motorista. Patuloy na bumubusina ang ibang mga driver dahil naantala na ang biyahe nila. Tumigil ang jeep na sinasakyan mo dahil may pumara. Pag-akyat nung pumara sa jeep, napansin mo na siya pala ‘yung naka-upo sa harapan mo na lagi mo na lamang tinititigan dahil nabibighani ka sa kanya. Umupo siya sa harapan mo. Nagkabanggaan ang mga mata. E dahil sa torpe ka, nilipat mo ‘yung tingin mo sa ibang tao ngunit ang nilipatan ng iyong paningin ay isang ‘di kanais-nais na nilalang. Napanganga ka. Tinawanan ka ng nasa harapan mo. Sa sobrang hiya, ibinaling mo ulit ang iyong tingin sa kawalan. Bago ka pa man bumaba ng sasakyan, nagkabanggaan muli ang inyong mga mata na wari’y nagpapaalam. Kinilig ka naman. Haay. Nakarating ka na sa pupuntahan mo. Pagpasok mo sa National, tumigil ka muna malapit sa entrance dahil malakas ang aircon. Kahit papano e natuyo ka. Bumili ka ng 2 white cartolina, 1 pentel pen, 1 medium-size na masking tape at ‘yung bagong libro ni Pol
Bago ka pa man nakatungtong sa paaralan, hinarang ka ng isa sa mga humihiyak ng “Xerox!” kahit hindi ka naman magpapa-xerox. Pagdating mo sa main gate, napansin mo na nagsisiksikan ang mga estidyante dahil may “construction site”. Kulang na lang e may yellow line doon at sinabing “Police Line - Do Not Cross”. Bigla kang sinita ng isa sa mga Guardia Civil. “ID mo?” (ashushwahl…) At taas-noo mo namang ipinakita na nakasabit ang ID mo na para kang baka na may bell sa leeg. Tapos nakita mo ‘yung mga “collateral” ng mga walang ID na itinatambak na parang basura (m, m, m…baka may magreact na naman). Dumaan ka sa Silang at nagpa-slide sa mga bagong tiles. Nagmamadali ka dahil gagawa kayo ng mga gamit para sa isang contest na sinalihan ng inyong college. Pagdating mo sa room, nalaman mo na ‘yung isa sa mga kasamahan mong gumagawa ng props na lumiban ng halos isang linggo dahil sa sakit na trangkaso ay isinama na sa mga gaganap na bida o kontrabida. Nakahalata ka dahil anak nga pala siya ng isang kilalang tao sa loob ng paaralan. Bad trip. Naghirap kayong lahat na gumawa ng props at dahil lang sa kadugo o kapuso o kapamilya (at dahil sa sakit na trangkaso) ay nabigyan siya ng pagkakataon na umangat sa iba pa niyang kasamahan. “Where’s the essence of being a human person?” Pulitika ba ‘to?
Sa tabi ng kwartong inyong pinamumugaran, may nasaksihan kang gulo at alam mo kung sino ang nag-umpisa nu’n. Biglang nagsulputan ang mga Guardia Civil at pilit na hinuhuli ang mga nanggulo. Hindi nila naabutan ang mga nag-umpisa at dinampot na lamang ang tunay na biktima. Sinabi nila na kung naging mahinahon ka
Lumipas ang mga oras na puno ng galit at pagkairita, naramdaman mo ang pagod dahil sa maghapong pagkabalisa. Malakas pa rin ang buhos ng ulan. Ang galit ay biglang naging kalungkutan. Hindi mo maipaliwanag. Itinigil mo ang iyong ginagawa. Pinuntahan mo ‘yung taong alam mong makakapagpahupa ng iyong nararamdaman. Sinabi mo sa kanya. Narinig naman niya. ‘Yun nga lang, mas lumala pa yata ang sitwasyon. Iba ang pagkakaintindi niya sa nais mong marinig. Nasisi ka pa. Kasalanan mo pa dahil masyado ka raw nagpapa-alipin sa iba. Hindi ka kasi nag-iisip eh. Isa na naman sa mga maling akala.
Hindi ka na bumalik sa loob nung kwarto. Pinakiramdaman mong muli ang pagdaiti ng mga karayom na hindi nakakasugat mula sa kalangitan. Ang daming karayom. Hindi mo na mabilang. Kasing-rami ng mga tanong na bumabagabag sa iyong isipan. “Kailan na nga ba ipinalabas ‘yung commercial ng Boysen na may kumakantang pagong? Kailan ba titigil ang ilan sa mga guro sa pagkukumpara ng mga estudyante? Kalian ba magtuturo ang ilang mga guro? Kailan ba mababasa ng mga motorista ang karatulang “No Blowing of Horns – School Zone”? Kailan ba ititigil ng mga motorista ang pagragasa ng sasakyan sa lugar na may tubig upang hindi matalsikan ang mga tao sa sidewalk? Kailan ba matututong mag-excuse me ang mga bumabahing? Kailan rerespetuhin ng mga driver ang mga estudyante sa pagkuha ng dagdag P1.50 tuwing Sabado? Kailan ibabalik ang discount sa mga may pasok ng Sabado? Kailan magkakaroon ng mababang kaso ng mga banggaan ng mga sasakyan? Kailan ba titigil ang ilang nagmamaneho sa panlalamang sa kalsada? Kailan ka ba papansinin ng taong itinitibok ng puso mo? Kailan mo ba masasabi kung ang taong iyong tinitigan ay ‘di kanais-nais tignan? Kailan mo matututunang magdala ng paying upang hindi ka na magpapatuyo sa aircon ng National Bookstore? Kailan ang next issue ng Pugad Baboy? Kailan mo tatanggalin ang ID mo ‘pag nasa labas ka na ng SLU? Kailan mauubos ang boses ng mga sumisigaw ng “Xerox”? Kailan matatapos ang main gate? Kailan nila maiisip na unahin muna ang dingding ng OTTO HAHN at PERFECTO? Kailan babait ang mga Guardia Civil? Kailan nila iingatang mabuti ang mga collateral ng mga walang ID tulad ng pag-iingat ng mga estudyante sa banal na